Ooh, Whatcha say!?

Tuesday, April 21, 2009

A CUTE STORY :)

Love Hurts Like Hell

First year ako noon nang mainlove. Transferee ako noon. Isa-isa kaming nagpakilala sa unahan ngunit may isang estudyanteng nahuli kaya't hindi ko na siya nakilala at iyon ay si Benedict. Na-love at first sight na agad ako sa kanya dahil sa kagwapuhan niya.

Pagdating ng getting nto know each other na pinagawa ng adviser namin na si Ma'am Weng, doon ko nakilala si Julianne na naging susi para malaman ko ang pangalan niya which is Benedict. Tandang tanda ko pa noon na naka-brown siya noong first day with green dickies bag. Ang karaniwang tawag sa kanya ay "Bene" short for Benedict. Old student siya at kasali din sa dance troupe kaya't kilala na siya sa school.

Makalipas ang ilang araw, naging friends na kami at nagpapansinan na rin. One day, sinulatan niya ako and he get my number. Im so kilig at that time. Actually, nakatago pa yung mga letters niya sa wallet ko. Mula nang kunin niya ang number ko, naging regular textmate na kami. He was very sweet. Dahil don, unti-unti nang nahuhulog ang loob ko sa kanya.

Until one day, computer subject, naramdaman kong mahal na rin niya ako. Habang free time kami sa computer, nabasa ko ang message niya sa akin. I Love you ang nakalagay. It was the first time na sabihin niya yun sa akin. Hindi ko alam ang isasagot dahil ayokong makasira sa kanila ni Mitch kaya't sinunod ko na lang sinisigaw at sinasabi ng puso ko. We talked through friendster at dun nagumpisa ang turingan namin bilang magkapatid. Uwian na namin at hindi pa din naaalis ang ngiti sa mukha ko. Kinagabihan, magkatext na naman kami. Napag-usapan namin kung anung themesong namin bilang magkaibigan.

"Pag naging tayo na, anung gusto mong themesong?" "Ha? Themesong? Crazy for you." "Bakit naman yun?" "Eh kasi nababaliw na ako sayo eh." "Hehe. kaw talaga."

Tuwing nasa pilahan kami, lagi niyang kinakanta ang crazy for you. Pero pag kaharap niya ang gf niya, hindi ko maiwasang magselos dahil he make parinig with his gf ng magbalik na themesong nila ni Mitch. After exam, October 17 2007, It was the celebration of Benjo's Birthday. Nagpunta kami sa kanila. Natripan ni Jessica at Joran na magholding hands at nang makita ito ni Benedict, nainggit siya kaya't sinabi niya sa akin kung pwede rin kaming magholding hands. Hinawakan niya nag aking kamay. Holding hands while walking, hiyaw ng mga kabarkada ko. Pagkatapos namin kumain kina Benjo, nagpunta kami kina Mariell at don nagbonding nang husto. habang nagkekwentuhan kami, tumugtog ang crazy for you. Dahil don, tinapos ko muna ang kanta bago makipagkwentuhan sa kanila. Nang mabalitaan ni Benedict na tinapos ko muna ang kanta at nagsenti, feel ko na naramdaman niya ang pagmamahal ko.

Pero kahit may gf siya, hindi ko maiwasang pigilan ang pagkahulog ng loob ko sa kanya dahil sa kasweetan niya. Katunayan, nakakatext ko din ang gf niya which is Mitch. As time passes by, unti-unti kaming nagiging close ni Mitch at dahil don, gumanap ako as their daughter nila Benedict. Daddy ang tawag ko kay Benedict at Mommy kay Mitch.

Nang dumating ang araw ng fieldtrip, nakita kong magkasama si Mitch at Benedict sa mga rides sa Star City.I feel so depressed, pero kahit na depressed ako, pinilit ko pa rin mag-enjoy with my bestfriend May Ann. Kahit na sweet at mahal nila ang isa't isa, dumating pa din ang time na mag-break sila. Makalipas ang ilang linggo, nag-umpisang manligaw si Benedict. Nang magkaroon kami ng assignment sa science, sabay kaming bumili ng acetate paper sa national bookstore. Pagkatapos namin bumili ng acetate paper sa national bookstore, nagkayayaan kami na manuod ng movie entitled "One More Chance". It was dated Dec. 11 2007. Nabigla ako sa ginawa niya habang nanunuod kami dahil hinawakan niya ang kamay ko. Sa panahong iyon, parang ayaw ko ng bitawan ang kamay niya. Habang nanunuod at magkahawak kamay, nag-away kami dahil nagugutom na siya. Ayaw ko siyang paalisin dahil ayaw ko siyang mawala sa tabi ko. pasimple niyang sinabi,

"Hmp. halikan kita dyan eh." Papilosopo ko namang sagot, "Gawa."

Nabigla ako dahil ginawa nga niya. Hindi ko inakalang siya ang magiging first kiss ko. After the movie, naglakad-lakad muna kami. There we saw our Filipino teacher which is Ma'am Loida. Binati namin ito imbes na magtago.

Pagpasok namin sa school, Values time when my adviser talk to Benedict. He ask about what happened at the mall kasi ibinalita ni Ma'am Loida kay Ma'am Weng na nakita niya kaming magkasama ni Benedict.

"Ma'am, nakita ko yung dalawa mong anak sa SM." "Ha? Talaga? Sino?" "Si Salvania at Raymundo"

Tinanong ni Ma'am Weng kay Benedict kung anung ginagawa namin sa SM. And he tell the truth na bumili lang kami ng acetate paper sa science. Hindi nakuntento si Ma'am Weng sa sagot ni Benedict kaya't kinausap rin ako, tinanung niya kungnanliligaw sa akin si Benedict. At sinabi ko naman ang totoo.

December 14, 2007, araw ng talent night sa ASC Prince and Princess. Ang pinerform ko ay ang paggitara habang nakanta. Tinugtog ko ang Torete by Moonstar88. Kinabukasan, it's his b-day, Dec. 15, 2007. It was the time na sinagot ko siya. Sabado noon at may rehearsal din kami sa ASC Prince and Princess. Nang pinagrecess na kami ni Ma'am Jaila, kumakain sila ng nanay ni Benedict ng pizza. Inalok ako ni Ma'am Jaila ng pizza.

"Antoinette, Pizza" "Ma'am? ayoko po".

Pinilit ako ni Ma'am Jaila na kumuha ng pizza kaya't hindi ko na natanggihan. Tinanong ako ni Ma'am Jaila kungt kami na ng inaanak niyang si Benedict.

"Kayo ba ni Benedict?" "Ha? Ma'am? Opo." "Ah talaga. Kailan pa?" "Ngayon lang po".

Nagulat si Ma'am Jaila dahil ang akala niya ay noon pa kami may relasyon ng inaanak niya.

Pagdating ng araw ng Prince and Princess, nandun siya at ang mga kaibigan ko, sinusuportahan nila ako at ang iba pang kasali sa Prince and Princess. Nakilalako doon ang tatay niya dahil pinapanuod niya don si benedict magsayaw dahil nga kasali siya sa dance troupe.

Namg matapos na ang Prince and Princess, doon ko ipinakilala si Benedict sa father ko. Kinabukasan ay Christmas Party na namin. May pinagpartner si Ma'am Weng sa amin. Ang kapartner ko ay si Benedict at Kim. Una kaming pinagsayaw ni benedict. Ang tugtog pa nga ay "Jeepney" by Spongecola which is our new themesong. His hands was on my waist while my hands are on his shouldet.kinikilig ako at ang mga kaibigan ko sa pagsasayaw namin. Ang higpit ng pagthawak niya sa bewang bewang ko habang nagsasayaw kami. Feel ko noon ay ayaw na niya kong bitawan. habang nagsasayaw kami, madaming nakakakita sa amin, dahil doon, hiyang hiya ako. Natapos ang jeepney at sumunod angt Catch Me Im Fallin'. Hindi na namin natapos ang Catch Me I'm Fallin kasi nagsawa na kami magsayaw.

Pagkatapos ng Christmas Party, halos lahat ng Agustinians ay dumerecho sa SM. Ako at si Benedict ang magkasama, si May Ann, Leroie at Jessica naman ang magkakasama habang sila Mariell, Anne, Regina, Aila at Cathelyn naman ang magkakasama. After SM, nagpunta naman kami kina Christine, ang ex ni Benedict. madami akong nakilala ndoonna kaibigan ni Christine.

Pagdating ng December 27, 2007, nagcelebrate kami ni Benedict ng Christmas. kasama ko ang pinsan ko na si Ate Karen habang ang kasama naman ni Benedict ay ang matalik niyang kaibigan na si Johmi. pagdating namin sa SM, dumerecho agad kami sa sinehan. Pinanuod namin ang Shake, Rattle, and Roll 8. Habang nanunuod, nakaakbay sa akin si Benedict at magkaholding hands hanggang sa matapos ang palabas. Pagkatapos manuod, naglakad lakad muna kami.

Pagkatapos ng bakasyon, araw na ng pasukan. Hanggang sa dumating ang araw ng first monthsary namin, January 15, 2008. Binati niya ako sa school habang naglalagay ng gamit sa locker.

"Bhe, happy 1st monthsary.!" "Happy monthsary din. Regalo ko?"

Napangiti ako ng binati niya ako. Kinikilig na naman ako. Hanggang sa pagkatapos ko maglagay sa locker ay nakangiti pa rin ako. Noong uwian na namin, ibinigay na ni Benedict ang regalo niya sa akin. Teddy bear ito. It was the first time na makatanggap ako ng regalo galing sa kanya. Pinangalanan ko ang teddy bear ko ng Whitee pero ayaw ni leeroie kaya't pinalitan ko ito ng Tyler Chippy. Tyler kasi ang cute ng name at Chippy naman dahil mahilig ako noong first year sa Chippy.

February 14, 2008, araw ng JS. nanuode ako at ang ilan sa mga kaibigan ko. nag-away kami noong time na yun. Umiyak siya sa harapan ko at umiyak din ako sa harapan niya. Iyakan to the max, grabe! First time namin umiyak sa isa't isa. nagpunta ako sa CR at lumabasnaman siya. Pagkatapos ko umiyak sa CR, nagpasama ako kay Angelene papunta kay Benedict at nagsorry.

"Ui Bhe, galit ka? Sorry na. Sabi ko habang natulo ang luha.

Hindi umimik si Benedict kaya't hinayaan ko na lang siya. Pero sa pagalis ko, dun niya ko pinantawad. Hinigit niya ang kamay ko at niyakap. Nagsorry kami sa isa't isa. Lumalalim na ang gabi kaya't kailangan ko ng um umuwi. Hinatid niya ako sa amin. Sa dilim ay magkaakbay kami. Tila ayaw nang bitawan ang isa't isa.

Kinabukasan, it's our 2nd monthsary. Masayang masaya ako dahil nakadalawang buwan na kami. After a few days, dumating ang araw na dumadalaw na siya sa bahay namin lalo na nang i-welcome siya ni daddy sa bahay. Kinausap ng Dad ko si benedict about sa mga dates namin at kailangan din ipakita sa kanya ang grades sa card. kapag bumaba ang grades namin ay paghihiwalayin kami, dahil don, nagpupunta siya sa amin araw araw para magpatulong sa mga assignments at sabay din kami nagrereview tuwing may exam at may quiz.

Bago kami mag-third monthsary, magkaaway nanaman kami kaya't kinabukasan ay hindi kami nagpapansinan kahit monthsary namin. Pero hindi nag-laon, nagkabati rin kami.

Bakasyon na. Nagkaron ang old friends ko ng swimming, April 12 2008 noon. Pagkatapos ng swimming ay nawala dun ang cellphone ng kapatid niya na gamit niya. Dahil don, na-grounded siya dahil sa akin. Pinilit ko kasi ang parents niya na sumama sa swimming. Kinabukasan, nakipag-break siya. Hindi man lang niya sinabi ang dahilan. Walangt paliwanagan na naganap. Basta't ang sabi niya ay kailangan na naming maghiwalay. Sinubukan kong pigilan siya, at napigilan ko naman. Umiyak ako ng todo noon kahit nagkabalikan kami. April 15 2008, 4th monthsary na namin. nagpunta siya sa amin bandang alas siete ng gabi. Mabilis lang kami nagkasama dahil tumakas lang siya. It's our monthsary pero hindi man lang ako naging masaya. April 17 2008, nagbreak na naman kami. Pinigilan ko ulit siya pero hindi ko na napigilan. Halos balde balde ang iniyak ko sa kanya pero wala siyang paki alam. Feel ko hindi niya ako minahal. Akala ko kilalang kilala ko na siya pero hindi pa pala. nagsisisi ako na naging kami pa. Si tyler Chippy na dati kong kayakap pag natutulog ay nakadisplay na lang. Akala ko dati siya na ang first and last bf ko, pero kahibangan lang pala ang lahat! Love really hurts like hell! aray ko po.