Ooh, Whatcha say!?

Wednesday, July 11, 2012

Sobrang nahihirapan na ‘ko.



It seems like everything reminds me of my dad. Sobrang nahihirapan na ko. Ang sakit, sobra. Araw-araw hindi siya nawala sa isip ko. Tuwing nasa jeep ako at blanko ang isip ko, bigla ko nalang siya maaalala. Pag naglalakad ako mag-isa, bigla nalang akong mapapaluha. Hindi ko na yata kakayanin. Minsan iniisip ko, bakit hindi nalang ako yung nawala. Sobrang bait sakin ni daddy, pero ako anong ginawa ko sa kanya. Out of 100% from the love he’d given me, 75% lang yata ng sakin ang naiparamdam ko sa kanya. Although alam ko sa sarili ko na I love him 100%. I’m not that kind of daughter that shows her whole percentage of love, hindi ako showy pagdating sa pamilya. Hindi ko alam kung bakit, pero alam ko kung anong mga factors ang nagcocontribute sa ugali kong ‘to. Marami akong pinagsisisihan sa mga bagay na hindi ko nagawa. Sana mabigyan pa ko ng pagkakataon para gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa, pero alam kong imposible na. Lahat ng mga pinagdaanan ni Daddy, mula nang isakay namin siya sa ambulansya hanggang sa ihatid sya sa kanyang huling hantungan, tandang tanda ko pa every single detail. Tuwing madadaanan ko ang mga lugar na pinupuntahan namin ni Daddy, lagi akong naluluha. Bakit ganito? Sana ako na lang talaga yung nawala. Gusto ko ng sumabog. Ayoko nang maramdaman ‘tong mga pagpapakasakit na ‘to. Bitin na bitin ako sa 17 years. Sana may reincarnation. Gusto kong mapanagipan si Daddy, pero wala eh, laging blanko. Pagkagising ko sa umaga, ang una kong iniisip kung napanaginipan ko ba si Daddy. Hindi pa siya nagpapaalam sakin. Huli ko kasing kausap sa kanya, ang sabi niya lalaban siya. Kaya hindi ko inexpect na ganito ako kaagang mauulila sa ama. Oo expected ko na hindi na siya tatagal pa ng matagal na matagal, pero I did not expect that it would be this early. Sobrang sakit. Sobrang depression, kaya siguro wala pa ‘kong naipapasa sa mga quizzes. Hindi ako makapag-aral nang mabuti. Pag nagbabasa ko or nakikinig sa prof, bigla nalang magshishift yung utak ko sa Daddy ko. Grabe na ‘to. Hindi ko na kaya.
I wanna die, please pray for my death.
(Hindi ako emo, sadyang sobrang depression lang.)

Miss You Dad


Miss You Dad
by Anonymous

Where are you dad, where have you gone?
You know you were the only one. 
Lifting me up when I was down,
Making me smile instead of frown.
Then one day, not so long ago
You couldn't stay you had to go.
Faced each day chin up with pride,
Buried the pain deep down inside.
Fought so hard and finally lost,
This final fight with such a cost.
Watched helpless as you slipped away,
The only words that I could say,
It's ok Dad now you can rest
This illness had been such a test,
I miss you with each passing day,
And more than any words can say.

101572-052212

Daddy, maraming salamat sa pag-aalaga mo saken ng 17 years. Sana sa 17 years na yon naging masaya ka kasama ko, kasi ako napakasaya ko na ikaw ang naging tatay ko. Ni minsan hindi kita kinahiya. Proud ako na "Daddy's Girl" ako. Maraming naiinggit saken kasi bukod pa sa tatay kita, kaibigan din kita. Ikaw ang kapartner/kakonchaba ko sa lahat ng bagay. Salamat sa lahat dad. Alam kong lumaban ka para saken at para sa kanila, alam ko ding ayaw mo pa kaming iwan. Pero wala naman akong magawa, ayaw pa rin kitang mawala sa buhay ko kasi marami pa kong plano kasama ka. Tandang tanda ko pa ung ngiti mo saken nung sinabi ko un sayo, ang ganda talaga ng ngiti mo. Nung araw na ikinonfine ka na sa lung center dad, tinext kita nun na magpagaling ka I love you. Nagreply ka saken kinabukasan nun kasi madaling araw na ko nagtext nun e. Sabi mo ang ganda ng gising mo kasi nabasa mo text ko, sabi mo din na magpapagaling ka na. Nagtiwala naman ako sa sinabi mo. Tapos dumating yung araw na April 30, unang arrest. Yung mga gabi na hindi kita kasama hindi ako makatulog ng ayos, kinakabahan ako. At yun nga may nangyari sayong hindi maganda dahil kinamusta kita kay mommy kasi hindi mo ko nirereplyan nun. Tapos nung pagdating ko na sa isolation room, hindi ko maintindihan bakit ka nagkaganun, ang dami ng machine na nakakabit. Nagdadasal naman ako tuwing gabi na sana gumaling ka na. Haaayyyy. Pero ganun pa din. Tuwing hihiling naman ako ng sign kung gagaling ka, binibigay naman. Kaya nagtiwala ako. Pero bakit ganto na ngayon, is it really the will of God? Hindi na kita kasama sa mga lahat ng importanteng event ng buhay ko. Tuwing birthday ko kasama kita, pero ngayong taon, wala na. Ang sabi ko, mag-dedebut pa ko at ikaw ang first dance ko. Pero wala na di na mangyayari. Tapos nung new year dad hindi man lang kita nakasama. Watak watak tayo nila ate lala. Kaya ganito e, ang panget ng umpisa ng taon natin. Sorry dad. Tuwing pipikit ako ikaw ang nakikita ko. Ayokong magpaalam sayo kasi hindi ka naman mawawala sa puso't isipan ko e. Feeling ko lagi lang kitang katabi at kasama. Salamat sa 17 years, 8 months, 4 days na kasama kita ng pisikal, at ngayong wala na ang katawang lupa mo dito sa mundo, alam ko namang lagi mo kong gagabayan sa lahat ng bagay at desisyon na gagawin ko. Salamat dahil kung hindi dahil sayo wala ako sa UST. Tanda ko mga bilin mo bago ako pumasok dito. Talagang ipinaglaban mo yung gusto kong pasukan na university. Salamat dahil kung hindi dahil sayo hindi ako valedictorian. Lahat ng mga bagay na ginawa ko noon para magkaroon ng honors, ginawa ko talaga un para maging proud ka saken. Huwag kang mag-alala daddy, lahat naman ng bilin mo tanda ko e. Yun nga lang, kung minsan, nagpapasaway ako kasi gusto ko lang magpapansin sayo. Sorry kung ginagalit kita minsan, panglalambing ko lang yun sayo. Gusto ko maging sweet, kaso hindi ko magawa kasi nahihiya ko, baka kasi sabihin mo anung nakain ko bat ako ganun. Lahat ng mga pangaral mo nakatatak un sa isip ko. At lahat ng mga ginawa mo para saken, nakatatak un dito sa puso ko. Hinding hindi kita malilimutan dad. Mamimiss ko ung kulitan natin nung nasa ospital ka, ung pinagsulat kita sa papel. Napakasaya ko nun, kasi feeling ko malapit ka ng gumaling nun. At nagsulat ka pa nga na pano ka gagaling at magpapagaling ka na. Itinago ko nga ung sinulat mo na un, napakamemorable saken nun. Mamimiss ko ung times na pagsumusulat ka saken, "my little princess" yung tawag mo saken. Wala na ngayong tatawag saken ng ganun. Mamimiss ko din yung mga pagbubunganga mo saken, dahil bukod sa tatay at kaibigan kita, nanay na din kita. Mamimiss ko din yung pagtatanggol mo saken kay mommy. Mamiss ko yung pagtetext mo saken lagi pagpumapasok ako. Yung mga unang week ng 1st year ko, tandang tanda ko pa na sinabi mo saken na mag-ingat ako sa pagtawid tawid at mga mandurukot dahil hindi tulad ng Manila ang Laguna. Lahat mamimiss ko. Lalo na yung mismong ikaw. Alam mo bang ginaganahan ako mag-aral pag nandyan ka? Nung 1st sem, hindi mo ko nun dinalaw sa pasay kaya ayun, di masyadong inspired kahit nagkikita tayo weekly. Tapos nung 2nd sem, I had better grades kase dumalaw ka saken nun e. Tyempong exam namin nung dumalaw ka. Ngayong 2nd year na ko dad, sabi ko sayo mag-uuwian nalang ako para may kasama ka. Kaya ko naman mag-uwian e. Tutulog ako pag nasa bus tapos mga 2pm aral na. Tapos tulog ng mga 11pm. Tas gising ng 4am. Tas tulog ulit sa bus. Kaya ko naman yan dad para sayo kasi nga inspiration kita. Pero wala e, ayaw mo naman ako payagan, nag-aalala ka para saken. Tapos nung planong sa Tayuman ka, nagplano din ako nun para satin dalwa. Sa isip isip ko, dadalawin kita tuwing uwian ko, dadalhan kita lagi ng pagkain kahit wala na kong maipon sa baon ko. Pero wala na naman. Haaayyy. Pangako ko sayo dad na magiging CPA ako. Ipapangako ko sayo na magtatapos muna ko ng pag-aaral bago mag-asawa. Lahat ng bilin mo dad. Sabi ko sa sarili ko nung nakita kitang nahihirapan sa ICU, mag-dodoctor ako pag-galing mo. Pero wala ka na. Itutuloy ko nalang accountancy daddy. Ang dami ko pang gustong sabihin sayo, pero alam ko namang alam mo na yun. Basta mahal na mahal kita daddy. Salamat sa lahat. "A dad like you will never be forgotten." Proud akong anak ako ni Alexander Manahan Salvania, at Daddy's girl. Napakasakit na wala ka na ngayon. I love you so much. And I miss you. 101572-052212