It seems like everything reminds me of my dad. Sobrang nahihirapan na ko. Ang sakit, sobra.
Araw-araw hindi siya nawala sa isip ko. Tuwing nasa jeep ako at blanko ang isip ko, bigla ko nalang siya maaalala. Pag naglalakad ako mag-isa, bigla nalang akong mapapaluha. Hindi ko na yata kakayanin. Minsan iniisip ko,
bakit hindi nalang ako yung nawala. Sobrang bait sakin ni daddy, pero ako anong ginawa ko sa kanya. Out of 100% from the love he’d given me, 75% lang yata ng sakin ang naiparamdam ko sa kanya. Although alam ko sa sarili ko na I love him 100%. I’m not that kind of daughter that shows her whole percentage of love,
hindi ako showy pagdating sa pamilya. Hindi ko alam kung bakit, pero alam ko kung anong mga factors ang nagcocontribute sa ugali kong ‘to. Marami akong pinagsisisihan sa mga bagay na hindi ko nagawa. Sana mabigyan pa ko ng pagkakataon para gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa, pero alam kong imposible na. Lahat ng mga pinagdaanan ni Daddy, mula nang isakay namin siya sa ambulansya hanggang sa ihatid sya sa kanyang huling hantungan, tandang tanda ko pa every single detail. Tuwing madadaanan ko ang mga lugar na pinupuntahan namin ni Daddy, lagi akong naluluha. Bakit ganito? Sana ako na lang talaga yung nawala. Gusto ko ng sumabog. Ayoko nang maramdaman ‘tong mga pagpapakasakit na ‘to. Bitin na bitin ako sa 17 years. Sana may reincarnation. Gusto kong mapanagipan si Daddy, pero wala eh, laging blanko. Pagkagising ko sa umaga, ang una kong iniisip kung napanaginipan ko ba si Daddy. Hindi pa siya nagpapaalam sakin. Huli ko kasing kausap sa kanya, ang sabi niya lalaban siya. Kaya hindi ko inexpect na ganito ako kaagang mauulila sa ama. Oo expected ko na hindi na siya tatagal pa ng matagal na matagal, pero
I did not expect that it would be this early. Sobrang sakit. Sobrang depression, kaya siguro wala pa ‘kong naipapasa sa mga quizzes. Hindi ako makapag-aral nang mabuti. Pag nagbabasa ko or nakikinig sa prof, bigla nalang magshishift yung utak ko sa Daddy ko. Grabe na ‘to. Hindi ko na kaya.
I wanna die, please pray for my death.
(Hindi ako emo, sadyang sobrang depression lang.)
No comments:
Post a Comment